"Sabi kasi ng PBC sa team events talaga kami malakas eh," wika ni national bowler Markwin Tee Lopez, nagpa-gulong ng gold medal sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games. "Sa tingin ko rin sa team events kami mas may chance na manalo ng gold medal sa 2006 Asian Games."
Kabilang sa mga miyembro ng mens ay sina 2004 World Cup champion CJ Suarez, Chester King, Joonnie Gat-chalian at Biboy Rivera, habang ang womens squad naman ay binubuo nina Liza Del Rosario, Ces Yap, Liza Clutario at Jojo Canare.
Sa nakaraang Asian Games noong 2002 sa Busan, Korea, nagpagulong ang Team Philippines ng tatlong gintong medalya.
Ang nasabing tatlong gold medal ay nanggaling kina bowlers Paeng Nepomuceno, ang four-time World Cup champion, at RJ Bautista, billiards masters Francisco Django Bustamante at Antonio Lining at equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski.
"Tuluy-tuloy na rin yung training namin sa national team in preparation for the 2006 Asian Games in Doha, Qatar. Sana lang mas ma-improve pa ako pagdating ng Asian Games," wika ni Lopez.
Isang gintong medalya ang iniambag ni Lopez sa naka-raang 2005 SEA Games buhat sa kabuuang apat na nakuha ng mga Filipino bowlers. (Russell Cadayona)