Binuhat ng 32-anyos na si Dumapong ang bagong meet record na 117.5 kilograms sa +75 event ng powerlifting mula sa dating markang 107.5 kg. kahapon sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Gymnasium.
"Siyempre, kailangan ko talagang manalo kasi para sa Pilipinas ito eh," wika ng naka-wheelchair na si Dumapong, gold medal winner sa 2nd ASEAN Para Games sa Hanoi, Vietnam noong 2003 at bronze medalist sa Paralympic Games noong 2000 sa Sydney, Australia.
Umagaw rin ng ek-sena sina Ma. Afrecita Salazar, Michael Mora at ang mens 4X400-meter team sa athletics com-petition sa Rizal Memorial Track Oval.
Kinuha ng 41-anyos na bookkeeper na si Sala-zar ang ginto sa womens 800-meter run class T53 (double leg amputee) mula sa isang bagong meet record na 3:01.05 at pinagharian naman ni Mora ang mens shot put class F20 (with intellectual disability).
Ang tropa naman nina Ryan Mostera, Elmer Tawatao, Andrew Milo at Jesus Pacaldo sa mens 4X400m relay class T20 (with intellectual disability) ang tumuhog ng gold medal sa 4X400m relay event.
Sa overall standings, nakakolekta na ang nag-dedepensang Thailand ng 103 gold, 55 silver at 23 bronze medals kasu-nod ang Vietnam (63-28-18), Malaysia (51-29-15), Indonesia (25-16-15) at Myanmar (25-11-3).
Inupuan naman ng Team Philippines ang No. 6 spot sa nahakot na 17 gold, 32 silver at 25 bronze medals sa itaas ng Singapore (13-6-6), Bru-nei (6-5-5), Cambodia (0-2-2), Laos (0-1-1) at East Timor (0-0-0).
Sapat na ang natu-rang 17 gintong medalya ng mga Filipino para lagpasan ang nakopong tatlo noong 2001 ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at dalawa noong 2003 sa Vietnam. (Russell Cadayona)