At kung pagbabase-han ang ilang usap-usa-pan, masyadong liya-mado ang ipinagmama-laki ng Pilipinas na si Pacquiao.
Base sa isang survey na nakalathala sa isang boxing website, ang RingTalk.com, nakakuha ng 75.9% na boto si Pac-quiao na mananalo sa pamamagitan ng knock-out kumpara sa pam-bato ng Tijuana, Mexico na si Morales na may 2.9%.
Maging sa desisyon pinapaboran pa rin ang 26 anyos na tubong General Santos na si Pacquiao na kumuha ng 12.2% ha-bang 7.9% naman ang nakuha ni Morales.
Maging sa pinaka-huling HBO poll, 37 porsiyento ang nagsasa-bing mananalo si Pac-quiao sa pamamagitan ng KO at 13 percent sa pa-mamagitan ng decision.
Naniniwala din ang survey na 30 porsiyen-tong tatalunin ni Morales si Pacquiao sa pamama-gitan ng puntos habang 18 percent sa pamama-gitan ng knockout.
Ngunit kung ang pag-sasanay naman ang pagbabasehan, kitang-kita ang determinasyon ni Morales na huwag ng mapahiya tulad ng kabi-guang tinamo kay Zahir Raheem noong naka-raang Setyembre 20 sa Staples Center sa Los Angeles.
Sa kabilang dako, kasalukuyang nasa Amerika na rin si Pac-quiao at puspusang nag-hahanda na rin para sa kanyang pinakahihintay na rematch kay Morales.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ni American trainer Freddie Roach si Pacquiao sa kanyang Wild Card Boxing Club sa Hollywood. (DMVIllena)