Ayon kay First Gentle-man Atty. Mike Arroyo, pababaunan niya ng tig-$300 ang bawat atleta para sa kanilang three-day trip sa Hong Kong.
Inaasahan ring maka-kasama ng halos 176 gold medal winners ng 2005 SEA Games ang kani-kanilang mga Godfathers na kinausap na ni Atty. Arroyo sa hangaring mu-ling makakuha ng suporta para sa preparasyon ng mga atleta sa Qatar Asian Games sa Doha.
"Since Im inviting the athletes, I invited also the Godfathers so that they can also give their athletes some pocket money," wika ni Atty. Arroyo.
Nakatakdang mag-tungo ang delegasyon sa Hong Kong ngayon na hinati sa tatlong grupo.
Sinabi pa ni Atty. Arro-yo na muli niyang kukum-binsihin ang naturang mga negosyanteng na-ging Godfathers ng mga national athletes upang tumulong sa paghahanda para sa Qatar Asiad.
I will talk to them if they want to continue the prog-ram. Remember that these were all pakiusap because its their money, walang gobyerno dito," wika ni Atty. Arroyo.
Sa nakaraang 2005 SEA Games, humakot ang Team Philippines ng kabuuang 113 gold, 86 silver at 92 bronze medals para kilalanin na over-all champion.(R.Cadayona)