Sumandal ang Alaska sa beteranong si Jeffrey Cariaso, Brandon Lee Cablay at Mike Cortez tungo sa kanilang ikaanim na tagumpay matapos ang 13-laro na hindi kasama ang kanilang import na si Tee McClary.
Ang pagkawala ng import ng Alaska na naunsiyami kay Victor Thomas dahil hindi ito pumasa sa height ceiling na 6-foot-6, ay naging malaking hamon para sa kanila upang magpursigi ng husto kagabi sa unang laro ng liga dito sa Maynila matapos magbigay daan sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Nadiskaril ang Sta. Lucia na binalikan ni Damian Owens para pumalit sa di epektibong si Omar Weaver na bumagsak sa 5-8 win-loss slate.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nakikipaglaban ang league leader na Purefoods Chunkee (9-3) kontra sa Talk N Text (6-3).
Umabante na ang Sta. Lucia ng 11-puntos sa kaagahan ng unang quarter, 19-30 ngunit nagawa nilang bumangon sa ikalawang canto upang idikit ang iskor.