RP sluggers kampeon

Buong ningning na nagpamalas ng impresibong laro ang Philippines nang maghari ito sa baseball event ng 23rd SEA Games sa pamamagitan ng six-game na pagwawalis sa panimulang pagtatanghal nito sa biennial meet.

Sa harap ng nagbubunying kababayan sa Rizal ballpark, binugbog ng RP sluggers ang kalabang Thailand, 11-0 na naging sapat para dominahin ang sports kung saan dating No. 1 sa puso ng mga Pinoy.

Dalawang beses pinayuko ng RP-9 ang Thailand sa isang linggong palaro sa pamamagitan ng 10-0 pananalasa sa 8-inning.

Pumukol ng five-hitter si Ernesto Binarao nang walang kapalit at kumana ang RP batters ng 12 hits, kabilang na ang lima na nagresulta ng six-run attack sa upper eight at tapusin ang laro sa harap ng naghihiyawang manonood, na tinatayang umaabot sa 10,000 na isang record sa kasaysayan ng baseball sa Pilipinas. (Lawrence John Villena)

Show comments