Dinismaya ni Sari ang 20-anyos na si Figueroa sa kanilang huling labanan ng talunin nito ang Pinay archer sa masalimuot na puntos na 96-95.
Bagamat bigo, binigyan ng "standing ovation" at malakas na palakpakan si Figueroa habang naglalakad ito ng archery ground kung saan sinuklian naman ito ng Pinay archer ng isang matamis na ngiti.
Subalit bago naganap ang hindi kapani-paniwalang pagkatalo, abante si Figueroa kay Sari ng 6 na puntos matapos rumatsada ito sa una at ikalawang round ng final 3-arrow event sa quarterfinal competition.
Tinabunan naman ng RP No. 2 archer na si Rachelle Ann Cabral ang kabiguang ito ng kababayan nang pataubin niya si Anabarasi Subramaniam ng Malaysia, 104-99.
Tiyak na ipaghigiganti ng 20 anyos na si Cabral ang kabiguan ni Figueroa sa kanyang pakikipagharap kay Sari sa semis.
Bukod kay Cabral, umusad din si Earl Benjamin Yap habang napatalsik naman si Carlos Carag sa mens compound ni I. Gusti Nyoman Puhurito Praditya ng Indonesia, 112-111. (Jeff Tombado)