Trasmonte, nakuntento sa bronze

Nakuntento na lamang si Reynaldo Trasmonte sa bronze medal ng gapiin ni Lansanh Mashopha ng Laos matapos ang semifinal round sa 23rd Southeast Asian Games muay thai event na ginanap sa GSIS gym, Pasay City.

 Hindi nakayanan ni Trasmonte ang matitinding suntok at sipa na binigay ni Mashopha at mabigong umusad sa finals ng 54-57 kgs division at makunteto na lamang sa tansong medalya.

Gayunpaman, hindi pa tapos ang kampanya ng Team Philippines nang umusad naman si Brent Velasco sa finals makaraang gapiin si Xanxai Boonthavyka ng Laos sa 54-51 kgs. category match. Makakasama ni Velasco ang mga naunang pumasok sa finals na sina Muay World Champ Roland Claro at Zaidi Laruan.

 Lalong nagpalakas ng loob ng mga atleta ang pagdating ng First Gentleman Mike Arroyo upang bigyan ng suporta ang mga atleta

 Dinumog din ang GSIS gym ng iba pang personalidad na sina dating Trade Secretary Jose Pardo, GSIS General manager Winston Garcia at Robin Padilla.

 Dumating din ang Thailand Senator at president ng Federation of Amateur Muay of Asia na si Santiprharp Intaraphatn. (LJCVillena)

Show comments