Bitbit pumadyak ng silver sa ITT

TAGAYTAY CITY – Naisukbit ni Marties Bitbit ang kanyang ikalawang medalya ngunit silver lamang ito sa individual time trial ng road race sa Tagaytay City habang bigo naman ang kalalakihan na makipag-unahan sa karera para sa gintong medalya.

Si Bitbit, gold medalist sa crosscountry, ay naorasan ng isang oras, 9 minurto at 53.09 segundo upang maunahan sina Indonesian Santi Tri Kusuma (1:09:34.62) na siyang champion sa event noong 2003 Vietnam Games. Nasa ikatlong puwesto naman ang Vietnamese na si Nguyen Hoang Oanh (1:00.32).

Ito ang unang pagkakataon na sumali si Bitbit sa road race ng cycling sa SEA Games. Lumahok din ito sa mountain bike noong 1997 sa Jakarta, at nag-uwi ng silver medal.

"Sayang," tanging sambit ni Bitbit, na muling magtatangka ngayon sa massed start.

   Naghari naman ang Vietnamese na si  Mai Cong Hieu sa men’s 39-km ITT sa tiyempong 1:04:12.79, ikalawa ang Indonesian na si Tonton Susanto sa bilis na 1:04:50.88 at ikatlo ang Malaysian na si Razalli Shahrlneza 6:33.31. (Lawrence John Villena)

Show comments