Pacalso humatak ng inspirasyon kay PGMA para sa gintong medalya

CEBU CITY--Kumuha ng lakas si Nelson Pacal-so mula kay Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na nanood ng laban at malusutan ang Vietna-mese na si Nguyen Bao Toan, 5-4 para sa gintong medalya sa men’s kumite -65 kgs. ng 23rd South-east Asian (SEA) Games karatedo event sa Man-daue City Sports and Cultural Complex dito.

Ito lang ang natata-nging gintong medalya ng bansa kahapon nang mabigo ang Pinoy kara-tekas na tuparin ang kani-lang misyon pagkatapos ng tatlong gintong tinapos sa tatlong araw na kum-petisyon sa karatedo.

Asinta ng Philippine karatedo officials na humigit-kumulang sa 7 ginto mula sa 18 naka-tayang gold medals ang kanilang kukunin.

"Napakahirap ng sit-wasyon ko dahil ayokong mapahiya dahil nananood ang Presidente. Pero malaking tulong sa akin ang pagpunta niya dahil gagawin mo talaga lahat at ibuhuhos mo ang lahat ng lakas mo," ani Pacalso, na isang police captain naka-assign sa Camp Crame.

Naghabol si Pacalso sa 1-4, may 20 seconds na lang ang nalalabi sa three-minute regulation na ang pinakamasama pa ay nasugatan ito sa kaliwang teynga sa hard foul ng Vietnamese.

Matapos tingnan ng doktor, parang sugatang sundalo ito na lumaban at maipuwersa ang 4-all tungo sa 5-4 panalo.

"Nung down ako by three points, ginamit ko na lahat nang diskarte. Laban na kung laban dahil ayokong mapahiya sa ating Pangulo. Mabuti naman at naipanalo ko ang laban," wika ni Pacalso.

Samantala, hindi na-tumbasan nina Gretchen Malalad at Mae Eso ang kapalaran ni Pacalso makaraang makunteto na lamang sa bronze medal.

Winakasan ng Philip-pines ang kanilang kam-panya sa karatedo sa 3 golds, at 9 silvers para sa ikaapat na puwesto sa pangkalahatan sa likuran ng Indonesia, na may five golds, five silvers, at three bronzes kasunod ng Vietnam at Malaysia na may 5-3-7 at 4-8-3 gold-silver-bronze medal tally, ayon sa pagkakasunod.

Show comments