Sa unang araw ng kompetisyon, 15-golds ang nakataya--apat na gold sa karatedo, tatlo sa diving at athletics, tigalawa sa one-day event na dancesport at chess at isa sa billiards.
Pangungunahan ng SEA Games veteran na si Malalad ang kampanya ng bansa sa karatedo competition na magsisi-mula Ngayon sa Man-daue Coliseum sa Man-daue Cebu City kung saan paglalabanan ang ginto sa men at womens division ng team kumite at individual kata.
Makakasama ni Mala-lad sa womens team kumite sina Mae Eso at Luche Metante habang sina Bernardio Chu, Irineo Toribio, Nelson Pacalso, Junel Perania, Joel Gon-zaga, Homer Panal at Revi Sani ang sasabak sa mens division. Sina Noel Espinosa at Stephanie Carol Lim ang pambato ng bansa sa individual kata.
Bukod kay Torres, magtatangka ring maka-sikwat ng ginto sa pole vault at high jump event ng athletics competition na bubuksan sa Rizal Memo-rial Track Oval sina pole vaulter Mikaela Santos at Deborah Samson at high jumper Narcisa Atienza.
Aasa naman ang ban-sa kay Andam at Ronato Marqueses Alcano sa 15-ball rotation doubles ng billiards competition sa Makati Coliseum.
Sisimulan naman ng mga pambato na sina Torre, Antonio, Dableo, Mariano kasama si Jay-son Gonzales ang kam-panya ng Team Phi-lippines sa chess com-petition sa pagsabak sa blitz event sa Tagaytay International Convention Center.
Isasalang naman sa womens division ng blitz event sina Sheerie Joy Lomibao, Beverly Men-doza, Sherily Cua, Cathe-rine Perena at Joanne Toledo sa womens.
Nakatakda naman ang finals ng womens 3-meter synchronized springboard at mens 10-m synchronized platform at 1-meter springboard sa diving competition na ginaganap sa Trace Aquatics Center sa Los Baños, Laguna.
Sasabak sa womens 3M synchronized spring-board sina Andrea Marie Rafanan at Ceseil Dome-nios, sina Rexel Ryan Fabriga at Kevin Kromwell Kong sa mens 10M synchronized platform habang si Victor Paguia naman sa 1-m spring-board.
Sa dancesport na gaganapin sa Waterfront Hotel sa Cebu City, naka-taya ang gold sa Latin American kung saan pambato ng bansa sina Michael Mendoza, John Erolle Melencio, Belinda Adora at Dearlie Gerodias at sa Standard dances kung saan sina Rico Rosi-ma, Emmanuel Reyes, Filomena Salvador at Maira Rosete ang sasabak.