Inaasahang pangu-ngunahan ng Pangulo ang mainit na pagtang-gap sa mga atleta at delegadong mula sa ibat-ibang bansa na kalahok sa SEAG. Ang mga pala-rong masasaksihan sa Subic ay kinabibilangan ng sailing, canoe/kayak, archery at triathlon.
Isang makulay na presentasyon ang pinag-hahandaan upang magbi-gay saya sa magarbong pagbubukas ng naturang palaro.
"Weve invited Presi-dent Arroyo to come for the welcoming ceremony. Hosting the SEA Games is a great opportunity for the people of Subic and for the Filipinos in general. Rest assured that every-thing will turn out fine," ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority Administrator and CEO Armand C. Arreza,
Abot sa 250 katao ang magpapakitang gilas sa pagsasayaw ng ibat ibang rural dances. Kasa-ma na rin dito ang mga Aeta mula sa Central Luzon, Igorot buhat sa Northern Luzon, Bulacan rural dance at isang ethnic-inspired grand finale na tumatalakay sa SEAG theme "One Heritage, One South East Asia."
Ang pagsabak sa laban sa larangan ng sailing ay mag-uumpisa na sa Sabado sa Subic Bay Yacht Club.
Samantala, ang kom-petisyon naman sa archery ay sisimulan sa ika-28 ng Nobyembre. Target din na makuha ang gintong medalya sa lara-ngan naman ng triathlon. (Sarie Francisco)