Mailap na panalo asam ng Beermen

Ipagpapatuloy ng defending champion San Miguel Beer ang paghahanap ng mailap na panalo upang makakalas sa pagkakapako sa ilalim ng team standings habang hangad naman ng Coca-Cola ang ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng kasaluku-yang eliminations ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum.

Hangad ng Beermen na wakasan ang four-game-losing streak sa pakikipag-harap sa Alaska sa alas-7:25 ng gabi pagkatapos ng pakiki-pagsagupa ng Tigers sa Air21 sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:40 ng hapon.

Isang panalo pa lamang ang natitikman ng San Miguel sa siyam na pakikipaglaban na nagbaon sa kanila sa pangu-ngulelat at nais nilang maiahon ang kartada sa tulong nina import Kwan Johnson, Dorian Peña, Danny Ildefonso, Don-don Hontiveros, Danny Seigle, Olsen Racela at iba pa, sa pakikipagsagupa sa Aces na nag-iingat naman ng 5-6 record.

Sisikapin naman ng Coke na ipagpatuloy ang pagbangon mula sa ilalim ng team stand-ings upang lalong mapaganda ang 4-6 win-loss slate laban sa Air21 sa tulong nina import Omar Thomas, John Arigo, Ali Peek, William Antonio, Rob Wainwright, Billy Mamaril at iba pa. (CVOCHOA)

Show comments