Pinoy karatekas kumpiyansa sa kanilang kampanya

Ibilang ang kanilang sunod-sunod na tagumpay sa mahigpitang torneo sa Europe, inaasinta ng National karate team at officials ang overall champion-ship sa 23rd Philippine Southeast Asian Games.

Sa pamumuno ng magandang si Gretchen Malalad, nagpahayag ng kanilang kahandaan ang mga Pinoy karatekas sa pagdomina sa event.

Inaasinta rin ni Malalad ang kanyang ikatlong sunod na gintong medalya sa biennial meet.

"A good of seven and a better haul of 9," ani Romano Giuseppe, ang Italian former world champion (kumite), na gumigiya sa RP team sa loob ng isang taon.

May kabuuang 18 gold medals ang nakataya sa karate, isa sa limang sports na itatanghal sa satelitte venue sa Cebu.

Samantala, hinirang din sina boxing sensation Manny Pacquiao at reigning Ms. International Precious Lara Quigaman, dalawang magkaibang personalidad na ipinagmamalaki ng mga Pinoy dahil sa kanilang tagumpay, bilang ambassador at ambassadress of goodwill para sa 23rd Philippine Southeast Asian Games.

"Manny Pacquiao and Precious Lara Quigaman are both perfect role models to our countrymen, so it is only fitting to name them as SEA Games ambassador and ambassadress," ani PHILSOC cheif Executive Officer at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Makakasama nila ang 12 sports ambassadors na tumutulong i-promote ang Games, na sina Mikee Cojuangco-Jaworski, Akiko Thomson, Allan Caidic, Efren ‘Bata‚ Reyes, Nathaniel ‘Tac‚ Padilla, Lydia de Vega-Mercado, Elma Muros-Posadas, Paeng Nepomuceno, Mansueto ‘Onyok‚ Velasco, Monsour del Rosario at Eric Buhain. (CVOchoa)

Show comments