Thais at Indons ang mahigpit na karibal sa SEAG cycling

Ang Thailand at Indo-nesia pa rin ang dala-wang pinakamabigat na kalaban ng Pilipinas pag-dating sa cycling event ng Southeast Asian Games.

Sinabi ni national rider Warren Davadilla na ma-huhusay sa track events ang mga Thais at Indons na siyang nagbigay ng pangamba sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) para sa 23rd SEA Games.

"Talagang mabibigat ang Thailand at Indonesia sa track kasi mabibilis ‘yung mga cyclists nila doon. Pero may laban naman tayo kahit na sabihin mong malalakas sila," ani Davadilla.

Sa nakaraang Viet-nam SEA Games noong 2003, pumadyak ang mga Filipino riders ng isang gintong medalya mula kay Eusebio Quino-nes sa men’s 35-Kilo-meter Cross Country event, samantalang pilak naman ang iniambag nina Davadilla at Victor Espiritu sa 160km. Mass Start at sa 40km. Individual Time Trial, ayon sa pagkaka-sunod.

Inaasahan ni Dava-dilla na ang pagiging pamilyar sa ruta ang siyang magiging bentahe ng mga Pinoy.

"Siyempre, kabisado na natin ‘yung kalsada at ‘yung lugar, kaya sa tingin ko may advantage tayo doon," wika ni Davadilla, ang 1997 Marlboro Tour champion.

Anim na gintong me-dalya ang puntirya ng PhilCycling na masisikwat mula sa kabuuang 10 na inihanay sa 2005 SEA Games.

Ilalarga ang Mass Start at Individual Time Trial sa Tagaytay City at sa Danao City gaganapin ang Cross Country. (RC)

Show comments