Sa meeting na ginanap sa Bangkok, Thailand na dinaluhan ng siyam mula sa 11 member countries, naging unanimous ang pagpapasa ng motion ni Singapore representative Chris Chan at sinegundahan ni S. Jahendran ng Malaysia matapos ang deliberasyon sa umiiral na alituntunin na pumipigil sa host Philippines na idaos ang naturang event na siyang pinakamalapit sa puso ng mga Pinoy.
Pinangasiwaan ni SEAGFC at Philippine Olympic Committee (POC) President Jose Peping Cojuangco ang meeting habang si POC Chairman Robert Aventajado ang nagpaliwanag ng mga relevant rules, ang mga naging kaganapan kaya nasuspindi ang Philippines sa paglahok sa anumang international events ng International Basketball Federation o FIBA at naroroon din si Frank Elizalde, ang International Olympic Committee (IOC) representative sa bansa.
Ipinakita ni Aventajado ang Section 42 ng SEAGFC Statutes and Rules, na nagsasabing ang national federation ng host country ang siya lamang makakapag-appoint ng judges, referees at iba pang officials sa lahat ng sports disciplines na kasama sa Games.
Sa kasalukuyan, walang basketball federation sa bansa na kinikilala ng POC.
Ipinaliwanag din ni Cojuangco kung bakit hindi nila maaaring ireinstate ang Basketball Association of the Philippines na sinibak ng POC na ayon sa FIBA ay kung mangyayari ito ay pansamantala nilang babawiin ang suspension.
"The Council made a solid stand not because of threats of sanction from the international federation of basketball but because a specific rule of the SEAGFC prevents the Philippines from staging basketball," ani Cojuangco.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang Malaysia na mawawalan ng malaking sponsorship mula sa oil firm giant Petronas at ang Thailand na maagang nagprepara ng kanilang basketball team para talunin ang five-time champion na RP team ngunit sinuportahan nila ang paninindigan ng POC.
Dahil dito, magkakaroon na lamang ng 439 events mula sa 40 sports discipline. (CVOchoa)
Ayon kay Estrada, dapat na inayos ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang gusot sa pagitan ng POC at ng BAP na pinangungunahan ni Joey Lina.
Sinabi pa ng Senador na hihilingin niya sa Senate Committee on Sports na pinamumunuan ni Sen. Lito Lapid na imbestigahan ang gulo ng dalawang grupo dahil malaking kahihiyan ang mararanasan ng bansa dahil ito ang paboritong sport ng bansa. (Rudy Andal)