Hindi raw ito makatarungan.Unfair daw ito. Hindi daw dapat ito.
Pero may nakikinig ba sa kanila ngayon?
As in ginawa nila ang lahat para siya mapatalsik sa puwesto niya. Pati pondo ng team niya ay hinarang na lahat. Hindi nagtagumpay ang nagsasagawa ng demolition job.
Nananatiling nasa puwesto niya si coach at kahit hirap na hirap siya sa pagpapatakbo ng team dahil sa kawalan ng pera, sige pa rin siya. Hirap na hirap na ang mga players dahil kahit allowance ay wala na sila ngayon.
Talagang sakripisyo na lang ang ginagawa nila at lubusang pagtitiis.
Mula nung i-announce namin yung tungkol sa coach-ing clinic/seminar na pamumunuan ng batikang coach na si Nat Canson, hindi na sila tinigilan ng inquiries.
Nakakagulat dahil readers pa ng PSN galing sa Hong-kong at Bangkok ang nagsabing uuwi sila rito sa January to attend the seminar. Bongga!
Grabe ang gustong magpalista sa seminar na yun.
Ang coaching seminar na ito ay gaganapin sa Bayview Plaza sa Roxas Blvd. sa January 15, 2006 at sa registration fee lang na P1,200 ay may buffet lunch na, 2 merienda pa, at unlimited coffee at tea all day long at kasa-ma na rin ang certificate of attendance.
At makakasama nyo pa ang ilang magagaling na coaches sa bansa tulad ni Yeng Guiao ng Red Bull na magbibigay din ng insights niya.
Para dun sa mga interesado, tawag lang kayo sa 2501455 o cel. no. 0918-4751476.