"Were definitely going to be 100% better than last time," sabi ng dating US NCAA Division 1 tennis player. "Although I only came aboard a few weeks ago, we already have all the ingredients to do extremely well this SEA Games."
Ayon kay Lhuillier, kumpirmadong maglalaro para sa Pilipinas sina Cecil Mamiit at Eric Taino, ang dalawang Pilipinong may pinakamataas na ranggo sa buong mundo. Si Mamiit ay nasa 207, habang si Taino ay nasa ika-213. Subalit si Taino ay kinikilalang mas magaling na doubles player.
"Weve removed all the obstacles to their playing for the country, and theyre really good guys," dagdag ng patron ng basketball at slo-pitch softball.
Napakalakas din ng ating womens team. Kabilang sa mga magsusuot ng bandera sina Czarina Mae Arevalo, Denise Dy, Riza Zalameda at ang pinagmamalaking Fil-German na si Anja Vanessa Peter. Ang 15-taong gulang ay nagwagi na sa ilang torneo sa Europe, at handa nang sukatin ang galing niya laban sa mga bigatin sa Southeast Asia. Mas maganda rin ang kinalabasan ng draw para sa ating bansa sa pagkakataong ito. Thailand ang pinakamabigat na kalaban natin sa rehiyon.
Sa softball naman, Pilipinas ang kinatatakutan sa SEA Games. Nagsasanay sa New Zealand ang ating mens team, upang makaranas ng mababagsik na pitcher.
"Softball is all about seeing the pitch," paliwanag ni Lhuillier. "So theyre practicing against top club teams there and facing really good pitchers. Theyre ready for the SEA Games."
Bukod sa pinansyal na pagsuporta sa mga atleta natin, personal pang pinupuntahan ni Lhuillier ang training nila, at sinusulatan pa niya ng personal ang bawat isa sa kanila.
"I make it a point that, whenever we support a team, I write each of the players a letter. I tell them the country is proud of them, and I am proud of them."