Barakos nilapa ng Tigers

Bumangon ang Coca-Cola mula sa apat na sunod na kabiguan sa pamamagitan ng eksplosibong 82-64 panalo laban sa Red Bull Barako sa provincial game ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup na ginanap sa Leyte National High School kahapon sa Tacloban City.

Halos dinomina ng Tigers ang laro kung saan lumamang sila ng hanggang 18-puntos, 73-55 patungo sa huling apat na minuto ng labanan para sa kanilang ikalawang panalo matapos ang pitong laro habang bumagsak naman ang Barakos sa 4-4 kartada.

Samantala, pag-aagawan naman ng Talk N Text at Alaska ang karapatang makisosyo sa liderato sa tampok na laro ngayon sa Araneta Coli-seum.

Tampok na laro ang sagupaang Phone Pals at Aces sa alas-6:40 ng gabi pagkatapos ng engkwentro ng Barangay Ginebra at Air21 sa alas-4:10 ng hapon.

Hangad ng Phone Pals na makabawi sa na-kakahiyang pagkatalo at muling makabalik sa liderato sa pakikipagharap sa Aces tangka naman ang ikalimang sunod na panalo.

Kasalukuyang tabla sa 5-2 kartada ang Talk N Text at Alaska sa likod ng nangunguna nang Pure-foods Chunkee na may 6-2 record.

Mapait ang nakaraang pagkatalo ng Phone Pals laban sa Air21, 88-90 kung saan umiskor si import Shawn Daniels ng follow-up basket patungo sa huling 2-segundo ng labanan at ito ang magiging inspirasyon ng Ex-press para mapaganda pa ang 3-4 kartada.

Inaasahang pakikinabangan ng Phone Pals na babanderahan ni import Damien Cantrell, Asi Taulava, Victor Pablo, Jimmy Alapag, rookies Anthony Washington at Mac-mac Cardona ang pagkawala ni Alaska forward Don Allado na nasuspindi ng isang laro dahil sa kanyang pakikipag-away sa kanilang nakaraang panalo laban sa Red Bull.

Tangka naman ng Gin Kings ang ika-4 na sunod na panalo para mapalawig ang 5-3 record. (CVO)

Show comments