Mula sa mga kilalang tao hanggang sa karaniwang Juan dela Cruz, pinapaboran ang mahahaba ang biyas. Kung gusto mong makatawag-pansin, kailangang matangkad ka. Mga artista, modelo, pulitiko, lahat gustong nangingibabaw.
Pati na rin sa ibang sport, di lamang sa basketbol kinakailangan ang katangkaran.
Sa maiikling event sa swimming, halimbawa, epektibo ang matangkad. Ang matatangkad na golfer ay malakas pumalo. Marami sa magagaling na tennis player sa mundo ay lagpas 6 feet ang taas. Inaakusahan na nga ang Tsina na pinagtatambal ang mga matatangkad na atleta, para pati ang mga anak nila ay pakikinabangan din. Kung inyong iisipin, ang ama ni Houston Rockets center Yao Ming ay 67" at ang ina ay 63". Ang kanyang kasintahan ay 63" naman.
Ayon sa ilang pag-aaral - kabilang ang University of North Carolina - ang mas mataas ay mas mataas din ang kinikita. Sa US, tinatayang mula $800 hanggang $1,000 ang nadadagdag sa kita sa isang taon para sa bawat pulgada ng tangkad lagpas sa karaniwan.
Sa 43 pangulo ng Amerika, lima lamang ang mas mababa sa karaniwan, at ang huli ay si Benjamin Harrison, na hinalal noong 1888. Sa 10 sa huling 12 eleksyon, ang mas matangkad na kandidato ang nagwagi. Ang mga pinakamatangkad na naging pangulo ng Estados Unidos ay sina Abraham Lincoln, Lyndon Johnson, Bill Clinton, Thomas Jefferson, and Franklin Roosevelt -- si Lincoln ay 64, Johnson, 63, Clinton at Jefferson, 62 1/2 Roosevelt, 62 habang sina Chester Arthur, George Bush, Sr. ay mas maliit lamang ng kaunti kay Roosevelt.
Natagpuan din sa isang pagsisiyasat sa Poland na ang mas matatangkad na mga lalaki ay mas madalas na nag-aasawat nagkaka-anak. Sa pangkalahatan, ang mga lalaki one inch lamang ang liit sa karaniwan ay mas madalang magkapamilya.
Marami ring impormasyon na nagsasabing ang paninirahan sa siyudad ay nakakapagpaliit ng tao. May mga pag-aaral sa Amerika ang nagsabing di na lumalaki ang mga mamamayan nito. Ang dahilan na sinasabi ng iba ay ang pagsisikip ng mga siyudad, at pagdami ng stress sa karaniwang buhay. Kung tutuusin, ang mga Dutch ay mas matatangkad sa mga Amerikano, at puro malalawak na lugar ang kanilang maliit na bansa. Mababa ang krimen, at walang trapiko. At, pag inisip natin, ang mga Amerikano ay 59 daw sa pangkalahatan, habang ang mga Pinoy ay mga 58.
May mga bitamina na ngayong sinasabing nagpapatangkad, Abangan sa mga susunod na isyu.