"Im glad we won this game inspite of four players not in 100%," patukoy ni Purefoods coach Ryan Gregorio kina import Marquin Chandler, Mark Pingris, Roger Yap, Richard Yee at Jun Limpot na hindi nakasama sa kanilang mga ensayo dahil sa kanya-kanya nilang karamdaman.
Ngunit nakakuha ang Purefoods ng eskplosibong laro mula kina Kerby Raymundo, rookie Jondan Salvador at James Yap para suportahan si Chandler tungo sa kanilang pagsulong sa 5-1 win-loss slate.
May tsansang makopo ng Purefoods ang pangkalahatang pamumuno sa Talk N Text (4-0) kung matatalo ang Phone Pals na kasalukuyang nakikipaglaban sa Barangay Ginebra habang sinusulat ang balitang ito.
Nagbalik aksiyon na si Eric Menk sa Ginebra sa bisa ng bagong guidelines ng PBA para sa mga Fil-foreign players na inaprubahan ng PBA Board noong Lunes ngunit inamin nitong mayroon pa siyang injury at apat na araw pa lamang siyang nakakapag-ensayo.
Sa likod ng pagparada ng bagong import na si Omar Thomas na pumalit kay Alex Carcamo, walang nangyari sa Tigers na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sanhi ng kanilang pagdausdos sa 1-4 kartada. (Carmela Ochoa)