Nabigong umusad si World championship bronze medal at Asian Champion Harry Tanamor matapos na maging biktima ng pandaraya sa puntusan na naging dahilan ng kanyang pagyukod sa kalabang si Welshman Nasir Mohammad.
Kitang-kita na ang nasabing laban ng dalawang boxers ay isang lopsided bout na pabor kay Tanamor, subalit iginawad ng Chief Jury na si Terry Smith mula sa Wales ang nag-iisang panalo sa kanyang bata ng italaga niya ang mga judges na pabor sa kanila.
Mula sa iskor na 4-1 sa pagtatapos ng 1st round, kumunekta si Harry ng 3-4 combination sa mukha ni Welshman upang ibaba ang abante sa 9-7 sa pagtatapos ng 2nd round. Ganito ring pangyayari ang naganap sa 3rd round, subalit nananatiling angat si Mohammad sa 12-14.
At sa pagsapit sa final round, ibinigay ni Tanamor ang kanyang husay pero napatawan pa siya ng 2 point deduction at ilang warnings na nagresulta ng 22-12 panalo ni Nasir Mohammad.
Pawang nabigo rin sina Joegen Ladon at Mark Jason Melligen na biktima rin ng biased officiating.
Dumapa si Ladon sa mas mataas na Swedes pug na si Bashir Hassan sa iskor na 47-19, habang nasilat naman si Melligen ni Jean Juet ng Seychelles sa bisa ng RSC outscore, 25-5 sa third round.
Bunga nito, tanging sina Warlito Parrenas at Joan Tipon na lamang ang nalalabing pag-asa ng bansa para sa ginto sa 19-nation tourney na ito.
Sasagupain ni Parrenas ang Amerikanong si David Gaspar, habang maghaharap naman sina Tipon at ang isa pang American na si Shamuel Pagan sa semis.