Naunang tinalo si Sibuco sina Ramil Gallego at Loenardo Dodong Andam.
"Sa US ko pa nakuha to," patungkol ni Bustamante sa pananakit ng kanyang siko kung saan ang kanyang asawang si Mila ay nakatakdang magsilang ng ikatlo nilang anak dalawang buwan mula ngayon na nagche-cheer sa dating No. 1 mula pa sa unang araw ng kompetisyon.
Matapos na mawala ang kanyang unang dalawang breaks, kinuha ni Bustamante ang sumunod na frame upang agawin ang tempo tungo sa kanyang panalo.
Susunod na makakasagupa ni Bustamante ang mananalo sa pagitan nina Alex Pagulayan at Dennis Orcullo.