Kings durog sa Aces

Ang alaala ng dala-wang masaklap na kabi-guan ay hindi nawaglit sa isipan ng Alaska Aces ngunit ito ang nagbigay sa kanila ng lakas upang magpamalas ng intensi-bong laro upang pasad-sarin ang Barangay Ginebra, 102-72 sa pag-papatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Matapos maungusan ng Red Bull, 75-76, muling lumasap ng dagok ang Aces nang mauwi sa wala ang 29-puntos na kalamangan matapos ang 90-92 pagkatalo sa Purefoods sa isang over-time game noong Biyer-nes.

Ipinakita ng Alaska ang kanilang determinas-yong maibaon sa limot ang kanilang dalawang pagkatalo matapos kunin ang 24-puntos na kala-mangan sa halftime, 51-32 dahil sa pagsisikap ni import Artemus McClary na umiskor ng 21 sa kanyang tinapos na 32-puntos sa first half.

"I’ve never been so nervous in my life after leading at halftime be-cause of what happened the last time," pahayag ni coach Tim Cone. " But you have to appreciate when a young team learns from its mistakes."

Naitala ng Aces ang pinakamalaking kalama-ngan na 34-puntos, 100-66 at itala ang kanilang pinakamalaking panalo matapos ang 101-67 pananalasa sa Mobiline Phone Pals na ngayon ay Talk N Text na noong 2001 Commissioners Cup eliminations at ipala-sap sa Ginebra ang kanilang pinakamasa-mang pagkatalo sapul nang matikman nila ang 66-102 kabiguan laban sa Phone Pals sa Game-Three ng Philippine Cup finals noong Pebrero.

Bukod sa 32-puntos, si McClary at humatak din ng 17-rebounds, tatlong assists at dalawang blocks at malaking su-porta ang nakuha nito mula kay Tony dela Cruz na nagtala ng 16-puntos, 10 rebounds at dalawang assists para hindi maram-daman ng Aces ang pagkawala ng injured na si Mike Cortez.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang power-house Talk N Text (2-0) at Sta. Lucia (2-1) na mag-paparada ng isang balik PBA import na si Leonard White kapalit ni Luke Whitehead.

Show comments