Pagulayan dumalaw kay PGMA

Dumalaw si 2005 US Billiard Open champion Alex Pagulayan kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang kahapon.

Ang 26 anyos na si Pagulayan ay sinamahan ni Manila Mayor Lito Atienza, PSC chairman Butch Ramirez at ng kanyang manager na si Andrew Lee sa pagbisita sa Palasyo.

"Congratulations once again, congratulations on your continuing successes and you make us proud to be a Filipino, " wika ng Pangulo.

Napagwagian ni Pagulayan ang 2005 edition ng US Open na ginanap sa Chesapeake Conference sa Chesapeake, Virginia kung saan nagningning ang mga Pinoy sa kanilang 1-2-3 finish. Tinalo ni Pagulayan si Jose ‘Amang’ Parica sa finals, 11-6 para ibulsa ang premyong $40,000.

Show comments