Umaasa ang Pinay spikers na matatalo nila ang Myanmar sa kanilang alas-5 ng hapong engkuwentro para makuha ang momentum sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban naman sa Indonesia na posibleng madala nila para sa kampeonato sa pakikipaglaban naman sa Thais sa pagsasara ng tatlong araw na event na ito sa Linggo.
Kumpiyansa ang RP team mentor na si Ramil de Jesus sa kanyang manlalaro na magsisilbing bahagi ng mga kalahok na koponan sa kanilang preparasyon para sa susunod na buwang Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa kabila ng presensiya ng Thai side na dominado ang womens volleyball sa region mula pa noong Chiang Mai Game noong 1992.
Sa pangunguna nina Cherry Macatangay, Michelle Carolino at Roxanne Pimentel, sisikapin ng RP squad, na ginamit rin ang kanilang lakas para bumandera sa rehiyon noong kaagahan ng dekada 90 na patunayang tama ang kanilang mentor sa kanilang paghaharap ng Myanmar belles sa laro kung saan mahigpit silang paboritong magwagi.
Ang iba pang kukumpleto sa lineup ng RP squad ay sina Mayette Carolino, Tina Salak, Mary Jean Balse, Maureen Penetrante, Shermain Penano, Suzaine Roces, Lali Penaflorida, Desiree Hernandez, Rubie de Leon at Monica Aleta.
Patitingkarin naman ng Salinggawi ng UST, seventime winner kabilang ang apat na sunod mula noong 2002 ng UAAP cheerdance ang competition sa isang simpleng opening rites na nakatakda sa alas-4 ng hapon, ayon sa organizing Philippine Volleyball Federation. Ang Sports Vision Management Group, Inc. ang event coordinator.