Isang endorsement letter ang pipirmahan ng 10 member ng SEAG Federation para gampa-nan ng POC ang repon-sibilidad ng local basket-ball association para sa Nov. 27-Dec. 5 meet.
Nananatili ang supen-siyon ng PBA sa bansa hanggat hindi naitatayo ang bagong basketball association kung saan kasama ang mga major basketball stakeholders gaya ng Philippine Bas-ketball Association (PBA), Philippine Basketball League (PBL), NCAA, UAAP at Joey Lina, presi-dent ng Basketball Asso-ciation of the Philippines (BAP) na patuloy na kini-kilala ng FIBA, alinsunod sa Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ni POC pre-sident Jose Peping Co-juangco na siya ring chief executive officer ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) sa world go-verning body ng basket-ball kamakailan lamang.
Sinuportahan ng mga Chef de Missions ang planong ito ng POC sa conference meeting sa Plenary Hall ng Casino Filipino sa Parañaque sa pagsisimula ng Chef de Missions meeting kahapon.