"Actually, ang estimated budget diyan is P1.5 million because the host, our country, will take care of the board and lodging, transportation and other expenses of the Chef de Missions," sabi kahapon ni PSC chairman William Butch Ramirez.
Si Ramirez, ang deputy Chef de Mission ng RP delegation para sa 23rd SEA Games sa Nobyembre, ang siyang mamamahala sa naturang six-day activity.
"Hindi naman malaking halaga yan. This are normally done by any host country of the Southeast Asian Games," dagdag ng PSC chief.
Nakatakdang magdatingan bukas sa bansa ang mga Chef de Mission ng Vietnam, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Laos, Cambodia, Myanmar, Brunei at East Timor bago sila magpunta sa Los Baños, Laguna sa Sabado upang tingnan ang aquatics center.
Inaasahang pagtutuunan ng pansin ng mga delegado ang ginagawang paghahanda ng Pilipinas ukol sa seguridad, transportasyon, akomodasyon at pagkain ng mga atletang lalahok sa 2005 SEA Games.
Bibisita ang grupo sa Bacolod City sa Oktubre 2 para inspeksyunin ang mga venues ng boxing, weightlifting, mens football, beach volleyball at indoor volleyball bago tumulak sa Cebu City para bisitahin ang mga venues ng mountain bike, dance-sport, sepak takraw, pencak silat, judo at karatedo.
Sa Oktubre 4 bibisitahin ng mga delegado ang mga venues sa Manila at Subic. (RC)