At dramatiko ang paraan na kanilang pinili.
Sa Game 1, halos buong larong lamang ang Knights, subalit sa huli, naungusan sila ng Dolphins, salamat sa paghataw ni Jason Castro.
Bagamat napaupo sa dami ng foul si Gabby Espinas, nakabawi ang 2004 champions dahil walang pantapat ang 2003 champions kay Castro.
Sa Game 2, pinagapang ng Letran ang PCU sa higpit ng kanilang depensa.
Hirap na hirap ang Dolphins, at nagbunga ito ng 33 turnover. Hindi nakadikit ang PCU.
Sa Game 3, naglabas ng pangil ang Knights, at hindi pinatikim ng lamang ang Dolphins.
Napakatindi ng inilaro ni Boyet Bautista, na siyang hinirang na Finals MVP.
Samantala, hindi makahanap ng butas ang PCU, at halos walang assist na naitala, lalo na sa first half.
Sa huling minuto, nakabuslo ng 3-pointer si Jonathan Aldave, na nagbigay ng sampung puntos na kalamangan sa Knights, na halos iisang minuto na lamang ang nalalabi.
Di na nagawang makahabol pa ng Dolphins.
Ito ang pangatlong kampeonato ng Letran sa ilalim ni Louie Alas, kabilang ang 1998 at 2003.
Di lamang sa maraming sandata sa opensa ang Knights, subalit nanatili silang kalmado sa harap ng lahat ng hamon.
Magandang despedida para sa mga player na magtatapos na.