Nangako ng suporta sa SEA Games, umurong na

Malaki ang pangamba ng isang mambabatas na pumalpak ang nalalapit na Southeast Asian Games dahil sa kakulangan ng pondo matapos iurong ng ilang sponsors ang kanilang ‘monetary pledges’ sa palaro.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Camarines Norte Rep. Renato Unico, chairman ng House Committee on Youth and Sports na mahigit dalawang buwan na lamang bago idaos ang SEA Games sa Nov. 27-Dec. 5 pero kulang pa rin ng pondo ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) para mapunuan ang P1 bilyong budgetary requirements.

"We are saddened, however, by reports that the current political crisis has severely affected efforts to generate funds for the event. Some of the sponsors have even withdrawn their pledges," pahayag ni Unico.

Papasanin ng gobyerno ang 30% ng budget at ang iba ay manggagaling sa pribadong sektor.

Sa kasalukuyan, 17% pa lamang ng mga congressmen ang nangako na tutulong sa SEA Games sa pamamagitan ng kanilang ‘pork barrel.’

Nangangamba rin si Unico na hindi maipalabas ng Department of Budget and Management sa tamang oras ang pondong iaambag ng gobyerno. (MRongalerios)

Show comments