Mahigit sa 30 koponan ang inaasahang muling magpapatala para sa isang linggong tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) kung saan dominado ito ng Muntinlupa City noong nakaraang taon.
"We expect the cast to be even bigger this year and at the same time, the quality of competition is foreseen to be tighter and more exciting," ani Tolentino, kung saan ang kanyang siyudad ay magiging punong-abala sa chess at road race sa cycling event ng 23rd Southeast Asian Games sa November.
Malalaman ang mga detalye para sa naturang tournament mula sa NCFP project director na si Willi Abalos at tumawag lamang sa cel. no. 0921-6219898 o sa NCFP office sa tel. nos., 435-1114.
Tatanggap naman ang 2nd place ng P60,000 habang ang 3rd ay magbubulsa ng P40,000 at P20,000 at P15,000 sa 4th at 5th placers, ayon sa pagkakasunod.