Ito ay matapos igupo ng Dolphins ang host Letran Knights, 79-74, sa Game 1 ng kanilang best-of-three championship showdown para sa 81st NCAA mens basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Sa nasabing panalo, kailangan na lamang ng PCU na muling talunin ang Letran sa Game 2 bukas para maisubi ang kanilang ikalawang sunod na NCAA crown.
"It was a lucky win," ani mentor Junel Baculi sa Dolphins. "Despite the loss of Gabby Espinas, Joel Solis and Caloy Cecilia and all the bad breaks that came in our way, we showed the heart of a true champion."
Sinandigan ng Taft-based cagers ang pulso nina Rob Sanz at Jason Castro sa huling limang minuto ng final canto upang angkinin ang 76-70 lamang mula sa pinakawalang 11-0 run buhat sa 65-70 agwat sa Intramuros-based dribblers.
Ginawa ito ng Dolphins nang wala si 2004 Rookie of the Year/Most Valuable Player awardee Gabby Espinas na na-fouled out sa 6:44 pa ng fourth period.
Sa high school class, lumapit naman sa korona ang San Sebastian Staglets matapos gibain ang nagtatanggol sa titulong San Beda Red Cubs mula sa 83-76 tagumpay.
Humakot si Eric Salamat ng 21 marka para sa San Sebastian kasunod ang tig-15 nina Raphael Reyes at April Macasaet, habang pinamunuan naman ni John Hermida ang San Beda sa kanyang 25 puntos. (Russell Cadayona)