Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng DLSU Green Archers at UE Red Warriors na ipinag-utos ng UAAP Board na siyang pormal na magtatapos ng elimination round.
Kumpleto na ang cast ng Final Four na kinabibi-langan ng dalawang ko-ponang ito kasama ang Ateneo De Manila Univer-sity at ang Far Eastern University na umangkin ng unang twicwe-to-beat ticket dahil sa kanilang matayog na 12-2 pagtata-pos sa eliminations na sumiguro sa kanila ng No. 1 spot.
Nasa ikalawang pu-westo ang Red Warriors (10-3) kasunod ang ADMU Blue Eagles na nagtapos sa eliminations na may 10-4 kartada ha-bang ang La Salle ay may 9-4 kartada na siyang naghahabol sa huling twice-to-beat ticket na ipagkakaloob sa top-two teams.
Ipinag-utos ng UAAP board ang replay noong Sept. 9 matapos iapela ng La Salle ang pagbawi ng UAAP Technical Commit-tee sa 86-83 overtime win ng Archers na ibinigay sa East na pinaboran ang iprinotestang illegal time-out ng La Salle sa regula-tion ng naturang laro.
Kailangang ipanalo ng Red Warriors ang labang ito upang tuluyang angki-nin ang No. 2 position da-hil kung hindi ay magka-karoon ng three-way-tie sa 10-4 kartada.
Sa ganitong sitwas-yon, gagamitin ang qou-tient para sa ranking at ang Archers ang pinaka-mataas kaya sila ang aangkin ng huling twice-to-beat ticket at ang Red Warriors at Ateneo ang maglalaban uli para sa No. 3 position.
Mauuna rito, magsasagupa ang FEU Lady Tams at Ateneo Lady Eagles sa alas-2:00 ng hapon upang paglabanan ang No. 3 position.