Kapwa may tangan na twice-to-beat advantage ang PCU Dolphins at ang CSJL Knights matapos pangunahan ang eliminations kayat isang panalo lamang ang kanilang kailangan para makausad sa finals habang dalawang panalo ang kaila-ngan ng kani-kanilang mga kalaban.
Alas-2:00 ng hapon magsasagupa ang Dol-phins at MIT Cardinals na susundan ng engkwentro ng Knights at SSC-R Stags sa alas-4:00.
Magsisimula rin ang Final Four ng juniors divi-sion kung saan may twice-to-beat advantage ang SBC Red Cubs at SSC-R Staglets laban sa PCU Baby Dolphins at Letran Squires ayon sa pagkakasunod.
Bubuksan ng Red Cubs at ng Baby Dolphins ang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat na laro ay ang Staglets at Squires na-man ang magsasagupa sa alas-6:00 ng gabi.