Kabilang sa mga venues na inaayos pa hanggang sa ngayon ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, ang PhilSports Complex sa Pasig City at ang Paglaum Stadium sa Bacolod City.
Ayon kay Ramirez, matata-pos ang konstruksyon sa naturang mga venues sa huling linggo ng Oktubre.
"Continuos naman ang construction sa mga venues na gagamitin for the 2005 South-east Asian Games. Halos 85 percent na ang in place at konti na lang ang kulang," ani Ramirez. "In due time bago dumating ang November maa-ayos natin lahat yan."
Pinangangambahang ka-kapusin sa panahon ang gina-gawang renobasyon sa maala-mat nang Rizal Memorial Track Oval sa RMSC.
"According to (PSC) Com-missioner Richie Garcia, dadating na yung mga sup-plies at tamang-tama yon sa target date natin. Baka last week of October tapos na yan," sabi ng PSC chief.
Ikinumpara rin ni Ramirez ang nangyari sa 2003 SEA Games sa Vietnam at sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.
"Sa Vietnam, sa Athens before the Games meron pa ring mga bagay na hindi pa tapos. But the bottomline is we are ready to host the 2005 Southeast Asian Games," ani Ramirez. (Ulat ni Russell Cadayona)