Bumawi si Melligen sa kanyang mahinang simu-la upang pabagsakin si Mahmudov Dilshod ng Uzbekistan, 39-32 sa kanilang 75kgs. division bout.
Naging maingat si Melligen laban kay Dil-shod, ang 2001 World Cup Silver Medalists, sa una at ikalawang round sa pamamagitan ng kan-yang mahusay sa defen-sive posture.
Nang naramdaman ng Uzbek na nalalama-ngan na siya ng Pinoy, ay bumanat ito sa ikatlo at ikaapat na round ngunit higit na mas naging agre-sibo si Melligen na higit na nakapagkonekta ng mga solidong suntok.
Lumamang ng apat na puntos si Melligen pagka-tapos ng ikatlong round, 8-4 at bagamat nagpilit na makahabol si Dilshod ay naging mingat naman si Melligen tungo sa kan-yang tagumpay.
Bunga ng panalong ito ni Melligen, nakakasiguro na ito ng bronze medals tulad nina Harry Tanamor sa 48 kgs at Joan Tipon sa 54 kg weight class.