Ipinakita ni Tipon ang pinakamalaking rebe-lasyon sa delegation nang gumamit ito ng epekti-bong 1-2 combination para makaipon ng puntos tungo sa 26-12 panalo laban sa Korean na si Han Soon Chul.
Walang epekto na-man ang counter-punch-ing game ng Korean sa mas mabilis na si Tipon, na nagwagi sa dalawang magagaling na kalaban na kinabibilangan ng North Korean na si Kim Song Guk, silver medalist sa Athens Olympics.
Masuwerte naman sa draw, magaan na siniguro ni Tanamor ang bronze medal sa kanyang unang laban lamang. Tinalo ng Pinoy si Amjad Aouda ng Syria, 26-17.
Wala namang suwerte si Genebert Basadre, makaraang lasapin ang isang referee-stopped-contest laban sa Indian na si Jai Bhag-wan.