Tiket sa F4 asam ng UE vs DLSU

Sa ikaapat na pagka-kataon, muling magha-harap ang magkapatid na Dindo at Franz Pumaren bilang mga head coach.

Puntirya ng University of the East ni Dindo ang masilo ang ikalawang tiket para sa Final Four, sa-mantalang hangad na-man ng nagdedepen-sang De La Salle Univer-sity ni Franz na mamintine ang ikaapat na puwesto sa eliminasyon.

"It’s gonna be a fun, crucial and tough match against my brother Dindo. I’m sure UE will gonna come out hard for that important win," wika ni Franz sa upakan ng Green Archers at Red Warriors ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 68th UAAP men’s basketball tourna-ment sa Blue Eagle Gym sa Katipunan.

Nasa itaas pa rin ang Far Eastern University sa kanilang 9-1 baraha kasunod ang Ateneo De Manila University (8-2), UE (8-3), La Salle (6-4), UP (5-6), University of Sto. Tomas (3-8), host Adam-son University (3-8) at National University (0-10).

Haharapin ng UP ang Adamson sa ganap na alas-2 ng hapon para sa inisyal na laban.

Nagmula ang Fighting Maroons ni Lito Vergara sa 63-71 kabiguan sa Tamaraws, habang naka-lasap naman ang Falcons ni Mel Alas ng mapait na 62-65 pagkatalo sa Growling Tigers.

Samantala, sasagu-pain ng Adamson U ang De La Salle sa alas-11:30 ng umaga ngayon sa UAAP Season 67 wo-men’s basketball kung saan tangka ng Lady Falcons na masungkit ang kanilang ikawalong sunod na panalo sa kanilang home turf sa San Marcelino.

Tangka naman ng Ateneo ang ikaanim na panalo matapos ang walong laro sa pakiki-pagharap sa University of the Philippines sa alas-9:45 ng umaga, habang makikipaglaban naman ang University of Santo Tomas sa wala pang panalong University of the East sa unang laro sa alas-8 ng umaga. (Russell Cadayona)

Show comments