Kapwa taglay ng Green Archers at Lady Falcons ang 8-2 win-loss cards, habang naglista naman ang Lady Tamaraws at Redskirts ng parehong 6-4 kartada na tumabla para sa ikatlo at ikalimang spots kasama ang Santo Tomas U na nanaig naman sa National U, 25-13, 25-8, 25-16. Umangat na-man ang Ateneo sa 4-6 sa womens volleyball matapos na talunin ang UP, 25-17, 25-17, 25-20 na nagdala sa Lady Maroons sa kanilang ikawalong kabiguan sa 10 laro.
Samantala, nasungkit naman ng UST ang solong pangunguna sa mens volleyball ng kanilang igupo ang Adamson U, 25-13, 25-15, 25-18. Ginapi rin ng UP ang FEU sa 95 minutong laban, 25-21, 20-25, 25-19, 20-25, 15-11 at nakatabla nila ang kanilang biktima sa ikalawang posisyon na may 8-2 kartada.
Sa Adamson gym, gu-mawa si Merenciana Arayi ng 16 puntos at humatak ng 14 rebounds, habang nag-dagdag naman si Dulce Bombeo ng 14 at 11 puntos naman ang kay Concepcion Rieta para igiya ang de-fending champion Adamson U sa 51-47 tagumpay laban sa Far Eastern U sa wo-mens basketball noong Linggo rin.
Hawak ng Lady Falcons ang trangko sa buong kala-gitnaan ng laro nang malusutan ang rally ng Lady Tamaraws para sa kanilang ikapitong sunod na panalo.
Sa iba pang laro, tinalo ng De La Salle ang UST, 78-69 sa overtime at diniskaril ng UP ang UE, 57-42. Lady Archers , Lady Falcons magkasalo Umiskor ang De La Salle University ng straight sets na panalo laban sa University of the East, 25-19, 25-15, 25-20 habang pinigil naman ng Adamson ang Far Eastern U, 25-22, 25-17, 25-17 upang manatiling magkasalo sa liderato ng UAAP Season 68 womens volleyball noong Linggo sa UP gym sa Diliman.
Kapwa taglay ng Green Archers at Lady Falcons ang 8-2 win-loss cards, habang naglista naman ang Lady Tamaraws at Redskirts ng parehong 6-4 kartada na tumabla para sa ikatlo at ikalimang spots kasama ang Santo Tomas U na nanaig naman sa National U, 25-13, 25-8, 25-16. Umangat na-man ang Ateneo sa 4-6 sa womens volleyball matapos na talunin ang UP, 25-17, 25-17, 25-20 na nagdala sa Lady Maroons sa kanilang ikawalong kabiguan sa 10 laro.
Samantala, nasungkit naman ng UST ang solong pangunguna sa mens volleyball ng kanilang igupo ang Adamson U, 25-13, 25-15, 25-18. Ginapi rin ng UP ang FEU sa 95 minutong laban, 25-21, 20-25, 25-19, 20-25, 15-11 at nakatabla nila ang kanilang biktima sa ikalawang posisyon na may 8-2 kartada.
Sa Adamson gym, gu-mawa si Merenciana Arayi ng 16 puntos at humatak ng 14 rebounds, habang nag-dagdag naman si Dulce Bombeo ng 14 at 11 puntos naman ang kay Concepcion Rieta para igiya ang de-fending champion Adamson U sa 51-47 tagumpay laban sa Far Eastern U sa wo-mens basketball noong Linggo rin.
Hawak ng Lady Falcons ang trangko sa buong kala-gitnaan ng laro nang malusutan ang rally ng Lady Tamaraws para sa kanilang ikapitong sunod na panalo.
Sa iba pang laro, tinalo ng De La Salle ang UST, 78-69 sa overtime at diniskaril ng UP ang UE, 57-42.