Halos dalawang oras nagpulong ang NCAA Management Committee (ManCom) bago inihayag ang isang one-game sus-pension kay Baculi kaha-pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang naturang parusa ng ManCom, galing sa rekomendasyon ni NCAA Commissioner Joe Lipa, ay nag-ugat sa obscene gesture ni Baculi sa 75-81 kabiguan ng kanyang Dolphins sa five-time champions San Sebas-tian Stags noong Biyer-nes sa second round ng 81st NCAA mens basket-ball tournament.
"A repetition of the manner will ban him in the NCAA. But PCU can still appeal to the NCAA Policy Board, pero I think hindi na rin mababago ang desisyon," ani ManCom chairman Fr. Vic Calvo ng host Letran kay Baculi, hindi uupo sa laban ng PCU sa Mapua sa Miyer-kules.
Nasa itaas pa rin ang Knights sa kanilang 11-1 baraha kasunod ang Dolphins (9-3), Cardinals (8-4) at Stags (7-5).
"Actually, gusto ko ngang mag-coach si Junel sa Miyerkules kasi baka kapag hindi siya nag-coach mag-iba ang ihip ng hangin at matalo pa kami," ani Horacio Lim ng Mapua, asam na maagaw sa PCU ang No. 2 spot sa Final Four para makuha ang twice-to-beat incentive.
Samantala, iginupo ng Perpetual Altas ang St. Benilde Blazers, 63-55, para sa kanilang 6-8 kartada at 5-9 marka ng huli, habang nilusutan naman ng San Beda Red Lions ang Jose Rizal University Heavy Bomb-ers, 57-56, para sa kani-lang 4-10 at 2-12 grado, ayon sa pag-kakasunod, sa pagwa-wakas ng kani-kanilang kampanya.
Sa juniors division, tinalo ng nagdedepen-sang Red Cubs (10-2) ang Light Bombers (5-7) mula sa 83-64 panalo at iginupo ng La Salle Greenies (3-9) ang Perpetual Altalettes (0-12) buhat sa 82-42 pananaig.