Billiard wonder kid magtatangka sa main draw ng RP 9-Ball Open

Tangka ng billiard wonder kid na si Macmac Mendoza na makapasok sa main draw sa unang yugto ng qualifying legs ng 2nd Philippine 9-Ball Open na gaganapin mula ngayon hanggang Biyer-nes sa Paeng’s East-wood Bowl Citywalk 2.

Ang top four players sa five-leg qualifying events ay uusad sa finals kung saan makakasama nila ang top eight finishers noong nakaraang taon na pangungunahan nina de-fending champion Antonio Gabica at runner-up Den-nis Orcullo.

Ang top eight noong nakaraang taon ay sina Ronnie Alcano, Ra-mil Gallego, Warren Kiam-0co, Gandy Valle, Alladin Duloa at Roberto Dy.

Seeded din sa finals na nakatakda sa Oct. 19-23 sa Robinson’s Galleria Trade Hall, ay sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Alex Pagulayan at Marlon Manalo.

Ang top two ay sina Gabica at Orcullo at mag-kakaroon ng bunutan para mabatid ang kani-kanilang posisyon sa main draw.

Show comments