Adamson naka-sweep sa women’s basketball

Bumawi ang Adamson University sa kanilang malamig na paglalaro sa first half upang iposte ang 59-52 panalo laban sa Ateneo sa rematch ng finals noong nakaraang taon sa women’s basketball na ginanap sa Adamson gym.

Nagpamalas ng impresibong performance si Concepcion Rieta sa pagtatala ng 13-puntos upang lukuban ang nakakadismayang paglalaro ni Merenciana Arayi na nalimitahan sa siyam na puntos lamang.

Nag-ambag naman si Dulce Bombeo ng 10 rebounds upang tabunan ang nakakadis-mayang seven markers ng Lady Falcons na naghabol sa 14-6 pagkatapos ng first quarter at 32-25 sa halftime.

Show comments