NCAA pinasiklaban ang mga taga-UAAP

Winalis ng National Collegiate Athletic Asso-ciation (NCAA) ang kani-lang dalawang exhibition matches ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Bumangon ang NCAA 2 ni Louie Alas ng Letran Knights mula sa isang 14-point deficit sa third quarter patungo sa 88-81 paggupo sa UAAP 2 ni Franz Pumaren ng La Salle Green Archers, habang nagtayo naman ng isang 16-point lead ang NCAA 1 ni Junel Baculi ng PCU Dolphins sa fourth period para sa kanilang 76-64 paggiba sa UAAP 1 ni Bert Flores ng FEU Tamaraws sa 2005 UAAP-NCAA All-Star para sa Bantay Bata 163 kahapon sa Araneta Coliseum.

Humakot si 5-foot-7 Boyet Bautista ng Letran ng 23 marka at 6 rebounds para pangunahan ang NCAA 2 ni Alas, nagbigay ng 10-0 rekord para sa Knights sa eliminasyon ng 81st NCAA men’s basketball tourna-ment.

Sa kabila ng hindi pa-kikipag-practice, naka-kolekta pa rin si San Se-bastian Stag Leo Najorda ng 19 produksyon at 6 rebounds upang tulungan ang NCAA 1 sa paggapi sa UAAP 1 ni Robert Flores ng FEU Tamaraws.

Sa side events, kinuha ng mga Red Lions na sina JB Sison at Ed Tecson ang 2-ball competition at inangkin naman ni Alex Angeles ang Globe Three-Point Shootout.

Kumolekta naman si Rey Guevarra, miyembro ng Team B ng Letran Knights, ng 46 puntos sa final round para kilalaning Canon Powershot Slam Dunk.

Show comments