Hinugot ng Express na nagpalit ng kanilang pangalan mula sa dating FedEx, ang 6-foot-5 na si Marlon Legazpi bilang top pick sa dispersal draft ng 18-players sa PBA Board room sa Ultra sa Pasig kahapon.
Kinuha rin ng Air21 si Rensy Bajar sa ikalawang draft kung saan tanging ang Express na lamang ang humugot ng player at ang iba ay nag-pass na.
Nakuha naman ng Red Bull ang second pick ng Sta. Lucia at ginamit nila ito kay Celino Cruz habang ang kanilang tunay na pick ay ginamit naman nila kay Rob Duat.
Ang ikatlong pick ay si Carlo Sharma na kinuha ng Coca-Cola Tigers.
Kukunin sana ng Alaska si Cruz ngunit dahil nauna-han sila ng Red Bull, nagkas-ya na lamang sila kay Banjo Calpito. Hinugot ng Talk N Text si Joey Mente.
Walang kinuhang players ang Purefoods, Barangay Ginebra at San Miguel Beer. Nag-expire na ang kontrata ng pitong players na nakuha kaya ang team na kumuha sa kanila ang may rights of first refusal na sa kanila.
Apat na players ang mayroon pang buhay na kontrata sa Shell. Ito ay sina Chris Jackson, Adonis Sta. Maria, Jun Marzan at Gerald Esplana.
Ang mga players na hindi napili ay puro may expired contracts na. Ito ay sina Ar-nold Gamboa, Jek Chia, Ed-win Bacani, Tony Boy Espi-nosa, Jerry Codiñera, Estong Ballesteros at Eugene Tejada na pawang mga unrestricted free agents kaya maaari na silang humanap ng kanilang team. (Ulat ni CVOchoa)