Ito ang ipinaabot ni Antonio L. Aldeguer, manager ni Bautista nang ihayag ng Top Rank ang kumpletong card sa laban sa Setyembre 10.
Ang blockbuster double-header ay tatam-pukan ng laban ni Pac-quiao kay Hector Velas-quez habang ang Mexi-can na si Morales naman ay makakaharap si dating USA Olympian Zahir Raheem. Kapag nanalo sina Pacquiao at Morales sa kani-kanilang laban, inaasahan ang kanilang rematch na maaaring ganapin sa Disyembre ng taong kasalukuyan o sa Enero 2006.
Si Bautista ang reign-ing WBO Asia-Pacific bantamweight champion ay lalaban sa kanyang kauna-unahang ring appearance sa US main-land. Nakalaban na ito sa Hawaii noong Marso kung saan dinurog niya ang Thai na si Aree Phosu-wangym sa loob ng dala-wang rounds sa Neal Blaisedell Arena.
Ipaparada ng 19 anyos na si Bautista ang kanyang 16-0 win-loss record na may 12 knock-outs sapul nang mag-pro ito may dalawang taon na ang nakakalipas.
Nakatakda sanang sumabak sa Agosto 19 si Bautista sa Stockton Ball-park sa Stockton, Califor-nia ngunit kinansela ito ng kanyang American agent na si Michael Koncz at Aldeguer kapalit ng mas lukratibong laban sa Setyembre.
Ang Colombian boxer naman ay may record na 13-4-1 win-loss-draw na may 11 knock-outs.
Aakyat din sa ring si Fil-Am Brian Viloria sa nasabing card laban naman kay WBC light flyweight champion Eric Ortiz sa 12 round title fight. (Emmanuel Villaruel-Freeman)