Labing pitong manlalaro ang nakataya sa dispersal draft kung saan mamimili ang siyam na koponang naiwan ayon kay PBA Commissioner Noli Eala na panauhin sa lingguhang PSA Forum na ginaganap sa Pantalan Restaurant kahapon.
Susundin ang natural na order of draft na gagamitin sa PBA Annual draft na nakatakda naman sa Agosto 14 sa Sta. Lucia East Grand Mall.
Mauuna ang FedEx kasu-nod ang Sta. Lucia, Coca-Cola, Purefoods, Red Bull, Alaska, Ginebra, San Miguel at ang huli ay ang Talk N Text.
"In the dispersal draft, the team that will pick a player will have the right of first refusal for the player that they will pick," wika ni Eala.
Ang mga nasa listahan ng dispersal pool ay sina Jerry Codiñera, Joey Mente, Arnold Gamboa, Frederick Canlas, Rob Duat, Eugene Tejada, Jeck Chia, Edwin Bacani, Tonyboy Espinosa, Estong Ballesteros, Banjo Calpito, Chris Jackson, Celino Cruz, Rensy Bajar, Carlo Sharma, Marlon Legaspi at Jun Marzan.
Bago ipinormalisa ang pag-li-leave of absence at nai-trade ng Shell ang kanilang mga marque player na sina Rich Alvarez at Tony dela Cruz na nasa Alaska na kapalit nina Duat at Tejada. Nasa San Miguel na si Chris Calaguio kapalit nina Mente, Gamboa at Canlas; nasa FedEx na si Ronald Tubid kapalit ni Codi-ñera; nasa Coca-Cola na si Billy Mamaril kapalit nina Chia at Bacani, nasa Pure-foods na si Roger Yap kapalit ni Espi-nosa; at nasa Ginebra na si Kalani Ferreria at Ervin Sotto kapalit nina Ballesteros at Banjo Calpito.
Inihayag din ni Eala na sina-la nila ang 55-rookie aspirants para sa Annual draft at 49 na lamang ang natitira matapos ang ginanap na rookie camp.
Bagamat ni-reduce sa dalawang round lamang ang drafting kung saan 18-players lamang ang tiyak na maku-kuha, mas maiksi ngunit mas interesante ang draft sa taong ito. (Ulat ni CVOchoa)