Bagong coaching staff ng FedEx inihayag na

Inihayag ng FedEx Express ang kanilang bagong coaching staff na pangungu-nahan ni Bo Perasol para sa susunod na season ng Philippine Basketball Association.

Iniakyat ng FedEx management ang dating assistant coach bilang head coach kapalit ng beteranong si Bong Ramos para maging ikalimang coach ng Express sa loob ng limang taon sa PBA.

Kasama ni Perasol, Operations Manager for Global Accounts ng FedEx, sa coaching staff ang iba pang empleyado ng mga kumpanya ng FedEx team owner na si Bert Lina.

Ito ay sina Allan Gregorio, Business Manager ng Air21, ang sister company ng FedEx, Ricky Dandan (dating Manila Metrostars coach sa MBA) at Johny Tam (RP youth mentor), na kapwa Air21 Managers for Business Development.

Ang Air21 Warehouse Opera-tions Manager na si Jojo Villa, ang itinalagang chief scout ng Express.

"We’re always looking outside, not knowing that the answer to our search for our first ever PBA title could be here in our own backyard," wika ni Air21 President Lito Alvarez, ang team manager ng Express na kumpiyan-sang masusunod ng kani-lang bagong coaching staff ang company policy na gamitin lahat ang 12-player sa laro.

Show comments