Iniulat kahapon ni Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC) Sports Operations Committee chair-man Richie Garcia na wala na siyang nakikitang problema ukol sa pagdaraos ng kabu-uang 441 sports events sa ibat ibang venues.
"Ive been going around the venues in Cebu and now in Bacolod City. And I think its green and go for our hosting of the 2005 Southeast Asian Games," sabi ni Garcia.
Ayon kay Garcia, Com-missioner ng Philippine Sports Commission (PSC), handa na ang Cebu City kaugnay sa mga venues na gagamitin para sa karatedo, judo, dancesport, sepak takraw, mountain bike at pencak silat.
"Handang-handa na ang Cebu City to host these events kahit na nga next week na ang SEA Games kaya nilang hawakan," wika ni Garcia.
Ang renobasyon naman sa Paglaum Stadium ang tanging problema sa Bacolod City.
"The work is on going sa Paglaum, pero medyo made-delay ng kaunti. But definitely it will be ready one month before the SEA Games," ani Garcia. "But as far as the other venues are concerned, wala na silang problema doon."
Sa Metro Manila, ang gym-nastics ay gagawin na sa Rizal Memorial Sports Complex mula sa San Beda-Alabang, habang ang billiards and snooker ay idaraos naman sa Makati Coliseum.
Pinapurihan kamakalawa ng mga delegado ng Malaysia at Singapore ang ginagawang paghahanda ng bansa para sa naturang biennial event na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5. (Russell Cadayona)