Dumating si Pacquiao dito kasama nina Keith Davidson, Joe Ramos at Nonoy Neri at agad itong nagpamalas ng kanyang lakas at estilo sa mga taong nag-umpukan upang panoorin ang GenSan boxer.
Si Pacquiao ay nakatakdang sumabak sa ibabaw ng ring sa Setyembre 10 kontra kay Hector Velazquez ng Mexico sa Staples Center sa Los Angeles. Sa Linggo ng gabi ang tulak nito patungong Los Angeles upang doon naman sa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach ito mag-ensayo.
"Ang buong akala naming dalawa ay overweight si Manny," wika ni Ramos. "Pero kita naman na hindi. Tingnan mo ang kanyang tiyan. Naroon pa rin ang mga bukol-bukol na muscles."
Pinalakpakan si Pacquiao habang nasa ibabaw ng ring kasama si Neri na basang-basa ng pawis matapos ang ensayong tumagal ng dalawang oras.
Ngayong araw naman ay tutungo ito sa Maynila upang mag-ensayo sa L&M Gym sa Sampaloc kung saan siya nagmula.
"Hindi na kasi ako nakakadalaw doon. Kayat bago umalis ay mag-eensayo ako roon para kumuha rin ng suwerte," wika ni Pacquiao. (Ulat ni JMM)