Sumulong sa ikawalong sunod na panalo ang Letran upang panatilihing maningning ang kanilang malinis na kartada matapos ipalasap sa Jose Rizal ang kanilang ika-pitong talo matapos ang walong laro na lalong nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon.
Patungo sa huling 17-segundo ng labanan, nakalapit pa sa 61-58 ang Bombers mula sa basket ni Floyd Dedicatoria.
Bagamat nagmintis si John Alcaraz sa kanyang dalawang free-throws mula sa foul ni Armando Maniego, napanatili ng Letran ang posesyon sa kanilang panig matapos tumawag ng jumpball ang referee dahil sa sabay na nagkamit ng lane violation ang magkabilang panig.
Sa unang laro, nagpamalas ng eksplosibong depensa at outside shooting ang University of Perpetual Help System Dalta upang ilampaso ang Mapua Institute of Technology, 67-40.
Bumandera ang sophomore guard na si Conrad Fritz Bauzon sa pagkamada ng 21-puntos kabilang ang 6-of-9 three-point shooting upang iangat ang kanilang kartada sa 3-5 win-loss slate at makabawi sa 62-67 kabiguan sa kanilang unang pagkikita sa first round.